E- court system, isinisulong ni Supreme Court Chief Justice Gesmundo

Inilatag ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang kanyang plano na mapaluwag ang mga court dockets at gamitin ang teknolohiya para mapabilis pa ang judicial system.

Tiniyak din ni CJ Gesmundo na may decongestion program na ang Korte Suprema at naamyendahan na ang ilang internal rules upang makasunod sa mandato ng Konstitusyon na 2-taon na resolution ng kaso.

Nasa proseso na rin aniya ang Korte Suprema ng pag-amyenda sa rules of criminal procedures sa pagsisilbi ng search at arrest warrants.


Kasama na rin dito ang paggamit ng body camera sa pagsisilbi ng arrest warrant upang maprotektahan ang karapatan ng mga inaaresto at ng arresting officers.

Tinukoy rin ng punong mahistrado ang pag-set up ng e-court system sa muling sa paghahain ng reklamo, promulgasyon at execution ng judgement o ng mga hatol sa kaso.

Facebook Comments