Ikinalugod ni Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) Chief Jail Director Allan Iral ang pagpuri ng Kamara sa E-Dalaw efforts nito sa gitna ng nararanasang pandemya.
Sa isinagawang budget deliberation sa House of Representatives, pinuri ni Catanduanes Congressman Hector Sanchez ang mahusay na pangangalaga ng mga BJMP facilities sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa panahon ng pandemya, partikular ang ipinatutupad na electronic visitation para sa mga kaanak ng mga PDL.
Sa sumatutal, nasa 103,310 PDLs ang nabenepisyuhan ng electronic visitation.
Plano ng BJMP na palawakin ang electronic visitation sa pamamagitan ng paglalagay ng additional units ng computers at paglalagay ng stable internet connection para mapagbuti ang E-Dalaw service sa mga jail facilities sa mga liblib na lugar.