Inihain ni Senator Grace Poe ang Senate Bill No. 1683 upang itatag ang E-governance na magpapabilis sa pagtugon ng gobyerno sa pangangailangan ng pangkaraniwang mamamayan.
Giit ni Poe, kailangang sumabay ang pamahalaan sa napapanahong online services lalo na ngayong may pandemya kung saan mas ligtas ang lahat na manatili sa loob ng bahay.
Dagdag pa ni Poe, bawas pahirap sa publiko lalo na sa mga senior citizen at buntis, kung kahit nasa bahay ay maaari nilang maiproseso ang kailangan nilang dokumento tulad ng permit at lisensya mula sa mga ahensya ng gobyerno.
Kaugnay nito, ay binigyang-diin ni Poe ang pangangailangan ng Pilipinas sa mga imprastrakturang magbibigay konektibidad sa buong bansa upang maisakatuparan ang adhikaing ito.
Facebook Comments