E-KONSULTA NG PHILHEALTH, INILUNSAD SA BAYAN NG LINGAYEN; PUBLIKO HINIKAYAT NA TANGKILIKIN ANG PROGRAMA

Inilunsad sa bayan ng Lingayen ang isang programa ng Philhealth upang ilapit ang programa at proyekto nito sa publiko na makakatulong sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay at upang magkaroon ang mga ito ng registration upang makapag-avail ng serbisyong pangkalusugan.
Ang naturang programa ay alinsunod sa Universal Health Care Law na tinitiyak na ang lahat ng Pilipino ay ginagarantiyahan ng pantay na pag-access sa de-kalidad at abot-kayang mga produkto at serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.
Layunin nito upang matugunan din ang layunin o progresibong pagsasakatuparan ng Universal Health Care sa bansa.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang kawani na PhilHealth na nasa aktibidad ay prayoridad ang nasa 6,000 mga manggagawa ng Kapitolyo kung saan wala pa umanong 50% ng mga empleyado ang hindi pa nakakapag+avail nito kung saan libre ding makukuha ito.
Ayon pa sa kanila na ang naturang serbisyo ay inilalapit na rin sa mga LGUs at sa Barangay upang mas marami pang Pilipino ang mabibigyan ng serbisyo.
Samantala, Ang Philhealth nagpapatibay ng isang komprehensyang diskarte upang maihatid ang Pangunahing Pangangalaga sa pamamagitan ng pagbuo ng PhilHealth Konsultasyong Sulit at Tan (Konsulta) Package.
Hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang ganitong programa dahil para rin umano ito sa kapakanan at kalusugan ng bawat isa.
Facebook Comments