Hinimok ng Palasyo ng Malacañang ang publiko na gamitin ang mga Electronic – LGU para sa mas mabilis na transaksiyon sa kani-kanilang mga lokas na pamahalaan.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, malaking bentahe sa publiko ang pinalalakas na kampanya ng pamahalaan na E-LGU o digital transactions.
Layunin kasi ng programa na pasimplehin ang proseso ng pagkuha ng business licenses, occupancy permits, at iba pang permit sa pamamagitan ng digitalization.
Halimbawa na lamang aniya rito na maaari nang ma-avail ang serbisyong hinihingi sa gobyerno kahit nasa tahanan.
Dagdag pa ni Bersamin, na parte ng pagsisikap ng pamahalaan ang palakasin ang E-LGU sa buong bansa para sa mas mabilis na pakikipagtransaksiyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Facebook Comments