Babantayan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga E-marketplace at online seller ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., ngayon ang panahon na marami ang namimili online at malakas ang kita ng mga online business.
Aniya, sa sandaling mapatunayan ng BIR na lumabag sa batas sa pagbubuwis ang naturang mga negosyo ay agad niyang ipa-ba-block ito katulad ng ginagawa ng Oplan Kandado Program sa mga physical stores.
Ayon kay Commissioner Lumagui, alinsunod sa Section 115 ng National Internal Revenue Code na naamiendahan sa ilalim ng RA No. 12023, may kapangyarihan ang Commissioner ng BIR na suspendihin ang mga operasyon ng negosyo kasama ang pag-block sa digital services at mga digital service provider sa Pilipinas na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.