Nagsasagawa ng upgrade ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang Philippine E-Passport System.
Ayon sa DFA, layunin ng system upgrade na mapabuti pa ang seguridad at integridad ng E-Passport System.
Dahil dito, magkakaroon ng adjustment sa Passport delivery at release schedules.
Mula sa 12 working days, magiging 15 working days na ang kailangang hintayin para sa pagpoproseso ng pasaporte sa lahat ng Consular Office sa bansa.
Aabutin na ng 8 working days sa DFA Aseana at Consular Offices sa National Capital Region (NCR) ang expedited processing.
Magiging 10 working days naman sa Consular Offices sa labas ng NCR.
Inaasahang makukumpleto ang system upgrade sa September 2019.
Maibabalik na sa normal ang operasyon nito.
Humingi naman ng paumahin at pang-unawa ang DFA sa publiko.