E-PAYMENT SYSTEM | DFA, hanggang June 30 na lamang tatanggap ng online passport appointments

Manila, Philippines – Bilang paghahanda ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Incorporate Electronic Payment sa kanilang sistema kanilang inanunsyo na hanggang June 30 na lamang tatanggapin ang online passport appointments.

Sa inilabas na advisory ng DFA, ang passport online appointment slots mula July 2018 hanggang sa mga susunod na petsa ay hindi pa bubuksan upang bigyang daan ang kanilang paghahanda.
Mananatili namang bukas ang slots mula sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo.
Inaasahan ng DFA na ang electronic payment o ‘E-Payment System” ay magpapabilis sa transaksyon, mapapababa ang bilang ng no-show applicants, at magbubukas ng mas maraming online appointment slots kung saan papayagan ang mga applikante na magbayad sa mga payment facility na kanilang pipiliin.

Dahil rin sa “E-Payment System”, papayagang magbayad ng advance ang mga nag-a-apply ng passport.


Facebook Comments