E-Power Mo ilulunsad ng DOE

Manila, Philippines – Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng publiko sa energy chain, ilulunsad ng Department of Energy (DOE) ang programang ‘E-Power Mo’ ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa tamang paggamit ng enerhiya.

Ang 6th E-Power Mo Conference ay gaganapin bukas araw ng Martes, Hunyo 26 sa Department of Energy (DOE) headquarters sa Bonifacio Global City (BGC).

Ang “E-Power Mo!” ay naglalayong magbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mabilis na pag-unlad ng sektor ng enerhiya, tamang paggamit ng enerhiya at energy resiliency.


Ang Energy Consumers and Stakeholders Conference ay inaasahan na dadaluhan ng mahigit pitong daang participants mula sa energy, stakeholders at consumer sectors.

Sa E-Power Mo, ilulunsad din ang mga plano at polisiya ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng kapangyarihan sa mga mamimili partikular sa:

Pagbuo ng energy sources, paggawa ng mga ligtas at pagtitipid sa pamamagitan ng energy efficiency, paghahatid ng kalidad, maaasahan at abot-kayang mga serbisyo ng enerhiya at bigyan ang mga consumers ng opsyon sa paggamit ng conventional, renewable at alternatibong mapagkukunan ng enerhiya.

Facebook Comments