E-POWER MO | Matapos sa Davao City, programa sa tamang paggamit ng enerhiya dadalhin ng DOE sa Baguio City

Manila, Philippines – Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng publiko sa energy chain, dadalhin sa Baguio City ng Department Of Energy (DOE) ang programang ‘E-Power Mo’ ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa tamang paggamit ng enerhiya.

Ang “E-Power Mo!” ay naglalayong magbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mabilis na pag-unlad ng sektor ng enerhiya, tamang paggamit ng enerhiya at energy resiliency.

Ang Energy Consumers and Stakeholders Conference ay inaasahan na dadaluhan ng daan daang participants mula sa energy, stakeholders, at consumer sectors.


Ang Energy Consumers and Stakeholders Conference ay gaganapin sa summer capital of the Philippines – Baguio City sa Abril 24, 2018, Martes (sa Hotel Supreme Convention Plaza na may temang: “Communicating Efficiency Across the Energy Sector)

Sa E-Power Mo, ilulunsad din ang mga plano at polisiya ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng kapangyarihan sa mga mamimili partikular sa:

Pagbuo ng mga energy sources, paggawa ng mga ligtas at pagtitipid sa pamamagitan ng energy efficiency, paghahatid ng kalidad, maaasahan at abot-kayang mga serbisyo ng enerhiya at bigyan ang mga consumers ng opsyon sa paggamit ng conventional, renewable at alternatibong mapagkukunan ng enerhiya.

Facebook Comments