Mula noong bago pa magsimula ang buwan ng Ramadhan hanggang nitong pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral sa lungsod ay mas pinaigting ng Department of Trade and Industy-Cotabato city ang kanilang price monitoring.
Maliban dito, ginagabayan din ng ahensya ang mga mamimili hinggil sa tamang presyo at kung aling mga tindahan ang may pinaka-murang presyo sa lungsod sa pamamagitan ng pagpapalakas ng app na DTI e-Presyo.
Ang “e-Presyo” ay ang Online Price Monitoring System (OPMS) ng DTI kung saang maaring i-check ng mga mamimili ang kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin o prime commodities na matamang minomonitor ng DTI.
Nagsisilbi itong price guide ng consumers sa kanilang pamimili at malaking tulong sa kanilang pagba-budget.
Facebook Comments