Mas pinaiigting ang kakayahan ng mga awtoridad sa San Fernando City, La Union, sa pagtugon sa mga insidente dahil sa paggamit ng e-scooters bilang alternatibong patrol vehicle sa mga mataong lugar.
Sa ilalim ng bagong sistema, mas napapabilis ang pagresponde sa mga tawag ng publiko dahil kayang pasukin ng e-scooters ang masisikip na kalsada at lugar na hindi madaling daanan ng karaniwang sasakyan
Ayon sa mga San Fernando City Police Station, nakatutulong ang paglipat sa e-scooter patrols upang matugunan ang tumataas na gastusin sa krudo, kasabay ng pagsuporta sa mga layunin ng lungsod sa pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kalikasan.
Napatunayan din na epektibo ang ganitong paraan ng pagbabantay noong Semana Santa, partikular sa mga areas of convergence tulad ng simbahan, terminal at mga pasyalan.
Bukod sa pagpapabilis ng operasyon, nakatutulong din ang inisyatibo sa pagbabawas ng gastusin at sa pagsusulong ng mas environment-friendly na pamamaraan sa pagpapatrolya.
Itinuturing itong bahagi ng patuloy na modernisasyon ng pagpapatupad ng batas, na nakatuon para sa mas maayos na pakikipag-ugnayan sa mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










