E-services para sa mga dayuhang papasok sa bansa, inilunsad ng BI

Pinagaan na ng Bureau of Immigration (BI) ang visa transaction para sa foreign nationals o mga dayuhang pumapasok sa bansa.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, ang E-Services ng BI ay tumutugon sa layunin ng Ease of Doing Business Transactions on Government Agencies Act.

Aniya, makatutulong sa promotions ng turismo sa bansa ang E-services dahil hindi na mahihirapan ang mga dayuhang turista sa pagkuha o extension ng kanilang Visa dahil puwede na itong gawin online.


Inihayag din ni Sandoval na may safety measures ang E-Services ng Bl upang hindi makalusot ang mga hindi dapat makapasok sa bansa o mga security risk sa mga dayuhan na papasok sa Pilipinas.

Facebook Comments