E-Sports tournament, inilunsad bilang paghahanda sa SEA Games

Inilunsad ngayon ng Gaming Brand Razer ang E-Sports tournament para sa national athletes sa Southeast Asia.

Target ng Southeast Asian Invitational 2020 na ihanda ang mga atleta sa rehiyon para sa pagsabak sa Southeast Asian (SEA) Games sa Vietnam sa susunod na taon.

May tatlong features ang SEA nvitational: Defense of Ancients 2 (DOTA 2) at Mobile Legends: Bang-Bang (MLBB), na parehong isinagawa noong 2019 SEA Games maging ang Playerunknown’s Battlegrounds (PUBG) Mobile.


Dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, gagawin ang kabuuan ng event via online.

Magsisimula ang torneo sa June 22, 2020 at magtatapos sa grand finals sa July 3, 2020 hanggang July 5, 2020.

Facebook Comments