Inanunsyo na ng Bureau of Customs ang pagsasama ng E-Travel System ng Bureau of Immigration at ang kanilang E-Travel Customs System.
Ang integration ng Electronic Customs Baggage Declaration Form (e-CBDF) at ng Electronic Currencies Declaration Form (e-CDF) sa eTravel System ng BI ay magpapadali sa data collection processes para sa mga pasahero at crew members na dumarating sa Pilipinas.
Mapapadali na rin ang pagtanggap ng Customs sa mga impormasyon para sa risk profiling ng mga pasahero.
Ayon sa BOC, makatutulong din ito para mapalakas ang paglaban ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council sa money laundering at sa pagtiyak ng financial security.
Facebook Comments