E-trikes, gagamitin ng lokal na pamahalaan ng Maynila para maghatid-sundo sa mga health workers

Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng maynila na gamitin ang mga electronic tricycles o e-trike para makabiyahe ang mga health workers.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, nasa 189 e-trikes ang kanilang gagamitin para maghatid-sundo ang mga health workers sa pampublikong hospital kahit pa ang ilan sa mga ito ay maaaring manatili sa ilang hotel sa Maynila.

Ang naturang plano ay bahagi ng tulong ng lokal na pamahalaan para mabigyan ng tulong ang mga driver na hindi makapasada dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine.


Ang bawat driver ay magkakaroon ng sweldo kung saan sasailalim din sila sa health protocols para maiwasan na magkaroon ng COVID-19.

Laking pasasalamat naman ni yorme sa mga pribadong indibiwal na nagbigay tulong tulad ng facemask, food packs, alcohol at pagpapahiram na din ng electric scooters na maaaring magamit ng mga frontliners.

Facebook Comments