Inilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Philippine e-visa system, na naglalayong mapagaan ang proseso ng aplikasyon ng visa para sa mga dayuhang biyahero.
Sinabi ng DFA na magkakaroon ng “soft launch” ang bagong sistema at ipa-pilot test sa Philippine Consulate sa Shanghai, China.
Binigyang-diin naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kahalagahan ng paggamit ng digital technology para makapaghatid ng mas mahusay at de-kalidad na serbisyo sa publiko.
Ayon kay DICT Undersecretary David L. Almirol Jr., ang e-visa ay malinaw na mensahe sa mundo partikular sa mga manlalakbay na kinikilala nito ang mga benepisyo ng digital technology para sa mahusay at de-kalidad na serbisyo para sa mamamayang Pilipino.
Dagdap pa ni Almirol na ang e-visa initiative ay isang paraan upang ma-adopt ang mga modernong realidad sa paglalakbay at makakatulong sa pagbabago ng Pilipinas sa isang “top-of-mind destination” para sa business and leisure.
Habang sinimulan ng DICT ang e-Gov Super Application initiative na naglalayong isama ang mga ahensya ng gobyerno sa isang aktibong sistema, ang eVisa ay kabilang sa portal upang ma-streamline ang proseso ng Visa appliication at pataasin ang kahusayan para sa mga indibidwal na nagpaplanong maglakbay sa ibang bansa.
Paliwanag ng opisyal, ang e-Visa ay nagbibigay-daan sa mga papasok na manlalakbay ng ating bansa na magsumite ng kanilang mga application form at supporting documents gayundin na magbayad para sa mga temporary visa ng mga manlalakbay sa pamamagitan ng internet.