E-wallet services, delikadong magamit sa terorismo at money-laundering

Masusing pinapabantayan ni Senador Francis Tolentino sa mga kinauukulan ang malalaking transaksyon gamit ang mga naglipanang e-wallet application service.

Babala ni Tolentino, posible itong magamit sa iba’t ibang modus kagaya ng terorismo at money-laundering.

Nakakaalarma para kay Tolentino ang sinabi ni PayMaya legal counsel Eloisa Sy sa pagdinig ng Senado na tanging sa mga isinusumiteng government IDs lamang nakadepende ang kompanya upang matukoy kung nasa hustong gulang ang kanilang mga subscriber.


Binanggit ito ni Sy sa harap ng mga ulat na maraming menor de edad ang lulong na sa e-sabong gamit ang kanilang payment platform.

Ipinunto ni Tolentino, kung hindi kaya ng mga e-wallet provider na matukoy at masiguradong nasa tamang edad ang kanilang mga parokyano ay hindi malabong magamit din ito sa ibang ilegal na aktibidad kagaya ng money-laundering at terorismo.

Facebook Comments