Sinisilip ng pamahalaan na gamitin ang East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City bilang dedicated hospital para sa COVID-19 patients.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., ang EAMC ay makapagbibigay ng 250 isolation at ward beds, at karagdagang Intensive Care Unit (ICU) beds.
Ang Quirino Memorial Medical Center ay maaaring makapagbigay ng dagdag na 50 ICU beds at 100 isolation at wards beds.
Plano ng pamahalaan na i-expand ang Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines at Quezon Institute sakaling tumaas pa ang kaso ng COVID-19.
Sinabi naman ni Testing Czar Vince Dizon, plano ring magbukas ng pamahalaan ng karagdagang isolation at COVID-19 beds ngayong buwan.
Magiging agresibo ang testing, tracing at isolation para mapigilan ang pagkalat ng virus.