EAMC, nakapagtala na ng kauna-unahang firecracker-related injury

Nakapagtala na ang East Avenue Medical Center ng kauna-unahang firecracker-related injury, ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon Kay Dr. John Paul Ner, Spokesperson ng EAMC, ang unang kaso ay ang isang babae na nasa tamang gulang na isinugod bandang alas-11:45 kagabi.

Sinindihan umano ng biktima ang fountain firework at pagkababa niya nito biglang pumutok.


Nagtamo ito ng paso sa mukha at nadamay ang kamay.

Sa ngayon, nakalabas na sa EAMC ang biktima matapos malapatan ng kaukulang lunas.

Inaasahan naman ng EAMC na dadagsa pa ang mga pasiyente habang papalapit ang Bagong Taon.

Facebook Comments