Early Christmas Gift ng Ating Kapulisan!

Baguio, Philippines – Masarap tumulong, magaan sa pakiramdam.

Maaga ang pasko ng isang pamilya sa Aurora Hill, Baguio City dahil sa kabutihang loob ng ating kapulisan sa Station Six Aurora Hill.

Kusang loob ni Police Senior Inspector Delon Ngoslab ng nasabing istasyon na bigyan ng bigas, grocery, kalan at gasul ang isang pamilya dahil sa hirap ng buhay, wala silang ginagamit na pang luto sa kanilang kusina. Lubos ang pasasalamat ng pamilya sa kanilang natanggap at malaking tulong ang mga gamit sa kanilang buhay.


Palakpakan naman natin mga bes ang ating mga pulis.

Facebook Comments