MANILA – Nagsimula na ang early registration para sa school year 2017-2018 sa mga pampublikong elementary at high school sa bansaAyon kay Wilfredo Cabral, Assistant Regional Director ng Dept. of Education-National Capital Region, layunin nitong mabawasan ang siksikan ng mga tao tuwing enrollment.Sabi pa ni Cabral, noong Jan. 28 (Sabado) pa nagsimula ang early registration kung saan matatapos ito sa Feb. 24 (Biyernes).Dagdag pa ni Cabral, target din nitong malaman kung ano ang mga dahilan ng hindi pagpasok ng mga bata at masolusyunan ang isyu ng drop out.Asahan na rin aniya ang pagsasagawa ng mga guro ng DepEd ng house-to-house campaign at meetings sa mga local at barangay officials para makita ang mga kabataang nagkaka-problema sa pag-aaral.
Early Registration Para Sa School Year 2017-2018 Sa Lahat Ng Public Elementary At High School Sa Bansa, Umarangkada Na
Facebook Comments