Early Registration para sa School Year 2021-2022, magsisimula sa March 26 – DepEd

Magsisimula na sa March 26 ang early registration para sa School Year (SY) 2021-2022.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary for Planning, Human Resource and Organizational Development Jesus Mateo, magtatagal ang early registration hanggang April 30.

Dagdag pa ni Mateo, isasagawa ito sa pamamagitan ng remote registration.


Nagkaroon din ng adjustment sa early registration dahil na rin sa pagbabago ng school calendar.

Ang Early Registration ay isang taunang aktibidad para matiyak na ang mga bagong papasok sa Kindergarten, Grades 1, 7 at 11 sa publiko at pribadong paaralan sa buong bansa ay nakapagpalista na bago ang pagbubukas ng bagong school year.

Layunin din nito na matunton ang mga out-of-school youths sa mga komunidad.

Facebook Comments