Early registration sa mga public schools, umarangkada na!

Manila, Philippines – Simula na ngayong araw ang early registration sa mga pampublikong paaralan para sa school year 2019-2020.

Kinabibilangan ito ng mga estudyanteng papasok ng kindergarten, grades 1, 7 at 11.

Layon ng early registration na matukoy at mapaghandaan ng DepEd ang dami ng bata na papasok sa susunod na taon at malaman ang kinakailangang budget para sa rito.


Inaasahang nasa isang milyon ang papasok ng kindergarten at 1.5 milyon naman sa senior high school.

Tatagal ang early registration ng isang buwan o hanggang February 25.

Facebook Comments