Early voting law, pinapasertipikahang urgent kay Pangulong Duterte

Umaapela si Committee on Electoral Reforms and People’s Participation Chairperson Senador Imee Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang urgent ang early voting law.

Giit ni Marcos, kailangang ipasa na sa madaling panahon ang early voting law para masuportahan nito ang mass vaccination program ng pamahalaan at masiguro ang maayos at ligtas na eleksyon sa susunod na taon.

Ipinalianag ni Marcos na kung iaasa lang sa pagbabakuna ay hindi magagarantiyahan na walang mangyayaring hawahan ng virus sa 2022 elections.


Diin pa ni Marcos, mawawalan ng sapat na oras ang Commission on Elections na pagplanuhan ang mga pandemic-related measures at maayos ng tama ang badyet, kapag naantala ang pagpapasa ng nasabing panukalang batas.

Magugunitang Oktubre pa lang ay inihain na ni Marcos ang panukala para sa maagang pagboto ang mga senior citizen, at mga may kapansanan, at plano rin niyang maisama ang mga health workers, militar, mga pulis, poll watchers at media.

Facebook Comments