Early voting ng senior citizens at PWDs, tatalakayin na ng COMELEC

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia na sumulat na siya sa COMELEC En Banc para matalakay ang panukalang early voting para sa mga senior citizen, Persons with Disabilities (PWD) at iba pang sektor.

Ayon kay Garcia, tinatayang 10 milyong senior citizens na botante sa bansa na makikinabang sakaling maaprubahan ang early voting.

Balak ng COMELEC  na maipatupad ang early voting para sa ilang piling sektor sa darating na Barangay at SK Elections sa Oktubre.


Magkakaroon aniya ng pilot test ng early voting sa ilang mga lugar sa bansa na tutukuyin ng COMELEC.

Aminado ang COMELEC na sakaling matuloy ang early voting, mangangailangan din ang komisyon ng karagdagang budget para rito gaya ng dagdag na pondo para sa honoraria ng mga gurong magsisilbi sa halalan.

Facebook Comments