Mabilis na nakalusot sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala para sa early voting ng mga kwalipikadong senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa local at national elections.
Sa ilalim ng inaprubahang House Bill 9562, pitong araw ang itatakda bago ang petsa ng halalan para maagang makaboto ang mga qualified senior citizen at PWDs sa mga establisyimentong itinalaga ng Commission on Elections (COMELEC).
Magkakaroon din ng registration sa mga matatanda at PWDs sa oras na maging ganap na batas ang panukala upang ma-avail ng mga ito ang early voting privilege.
Ang mga hindi naman nakarehistro sa ilalim ng batas ay boboto naman sa itinakdang petsa ng eleksyon.
Inaasahang pagtitibayin agad ang panukala lalo’t napapanahon ito ngayong patuloy ang banta ng COVID-19, kung saan itinuturing na vulnerable sector ang mga nakatatanda at PWDs.