Early voting para sa mga senior citizen, PWD at buntis, muling ipinaalala ng Comelec

Pinaalalahanan ng Commision on Elections (COMELEC) ang mga senior citizen, Persons with Disability (PWD) at buntis hinggil sa early voting hours sa araw ng eleksyon.

Kung saan maaari nang bomoto ang mga ito simula alas-5 hanggang alas-7 upang hindi na makasabay pa sa dagsa ng mga botante.

Bukod pa rito, makaiiwas rin ang mga naturang vulnerable sector sa init ng panahon.

Ngunit paglilinaw ng Comelec, maaari pa rin naman silang makaboto sa regular na oras ng botohan simula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.

Samantala, mayroon pa rin namang priority lane para sa mga ito upang hindi na makipila pa at makisabay sa ilan pang mga botante.

Facebook Comments