Early voting sa seniors at persons with disabilities, lusot sa Kamara

Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala para sa early voting ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWD) sa national at local elections.

Layon ng house bill 5661 na mas maging komportable ang mga senior citizens at PWD sa kanilang pagboto.

Nakasaad pa sa panukala na bibigyan sila ng opsyon para makaboto ng mas maaga ng pitong araw kaysa itinakdang araw ng halalan.


Kailangan naman magparehistro ng mga senior citizen at PWD kung nais nilang samantalahin ang early voting.

Inaatasan naman sa panukala ang COMELEC na makipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs), National Council for Disability Affairs (NCDA), Commission on Human Rights (CHR), Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa registration system.

Bukod dito, pinasisiguro din sa COMELEC na ang mapipiling establisimyento ay dapat na accessible sa mga senior citizen at PWD.

Facebook Comments