Ipinamahagi sa bayan ng Mangatarem ang ilang mga kagamitang pangmedikal at mga early warning devices sa mga komunidad sa bayan ng Mangatarem mula sa Philippine Red Cross, San Carlos City, Flood Resilience Alliance – Philippines Project, kasama ang PRC National Headquarters and International Red Cross at Red Crescent Societies (IFRC).
Laan ang early warning devices upang magbigay ng signal o paalala nang maging handa ang mga tao laban sa mga maaaring panganib sa kanilang lugar na kinaroroonan.
Kasabay nito ang pamamahagi rin ng Primary Health Equipment na makakasiguro sa kaligtasan sakaling mangailangan ng medikal na atensyon ang mga residente sa nasabing komunidad.
Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga tao sa panahon ng mga kalamidad o sakunang posibleng mangyari, maging ang pagtugon sa mga health emergencies ng nangangailangang mga mamamayan. |ifmnews
Facebook Comments