Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na magtatag ng early warning system para sa agarang aksyon sa anumang public health emergencies sa Southeast Asia.
Sa kanyang talumpati sa 15th East Asia Summit, inendorso ng Pangulo ang regional center for public health emergencies maging ang pagkakaroon ng reserve para sa essential medical supplies para sa mabilis na pagtugon sa emergency.
Hinimok din ni Pangulong Duterte ang mga kaalyadong bansa na suportahan ang disaster preparedness at response efforts sakaling may umusbong na panibagong pandemya.
Naniniwala si Pangulong Duterte na ang COVID-19 pandemic ay hindi magiging huling pandemya at posibleng may mga susunod pang pandemyang mangyayari .
Muli ring ipinanawagan ng Pangulo ang pagkakaroon ng patas na access at abot-kayang COVID-19 vaccine.