Kasado na mamayang gabi ang gaganapin na “Earth Hour 2022”.
Ito ang pagpatay ng ilaw sa loob ng isang oras, mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.
Ang naturang “Earth Hour 2022” ay may temang “Shape Our Future”.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi, layon ng programa na magkaroon ng efficiency at conservation efforts sa hinaharap.
Dagdag pa ni Cusi, bilang nangunguna sa implementing agency ng Efficiency and Conservation Act, patuloy ginagawa ng ahensiya na mabawasan ang energy consumption at tugunan ang mga isyung pangkalikasan.
Ang DOE ay advocate pa rin ng Earth Hour campaign na pinangungunahan ng World Wide Fund for Nature-Philippines.
Facebook Comments