Earthquake Drill, dapat seryosohin – Malacañang

Manila, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa Publiko na huwag gawing biro ang isasagawang Earth Quake Drill sa buong bansa.

Ang nasabing Earthquake Drill magaganap mamaya Matapos Itong Ma-Postpone Noong Nakaraang A-21 Ng Setyembre Dahil Narin Sa National day of Protest.

Ayon kay Presidential Communications Seretary Martin Andanar, napakahalaga na laging handa sa anomang sakuna lalo na ang lindol.


Maganda aniya na mapaghandaan ng publiko ang nga ganitong kalamidad lalo na ang mga nakatira malapit sa mga fault line at maging ng mga malayo mula dito.

Nabatid na sa Bacoor Cavite inilagay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang staging area ng Earthquake Drill upang matiyak na magiging mabilis ang responde ng mga otoridad.

Facebook Comments