Earthquake drill, isasagawa sa buong Bonifacio Global City

Manila, Philippines – Magsasagawa ng earthquake drill sa buong Bonifacio Global City sa Taguig ngayong araw.

Dahil sa isasagawang BGC-wide quake drill, maraming lansangan ang maaapektuhan ng closure sa kasagsagan ng drill.

Sa abiso ng community relations office ng BGC, papatayin ang lahat ng traffic lights sa buong BGC sa kasagsagan ng drill.


Kasunod nito sarado ang mga sumusunod na lasangan mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali:

11th Avenue sa pagitan ng 32nd Street at 26th Street (Landmarks: West Tower at One Serendra to Two Serendra)
5th Avenue sa pagitan ng 32nd Street at 26th Street (Landmarks: McDonald’s to Net Lima)
2nd Avenue sa pagitan ng 32nd Street at 31st Street mula 1st Avenue hanggang Rizal Drive
7th Avenue corner Lane 40th Street corner 9th Avenue
3rd Avenue sa pagitan ng 32nd Street at 31st Street

Nakasaad sa abiso na ang bahagi ng ilang kalsada ay gagamitin bilang evacuation areas.

Asahan na rin ang pagsisikip sa daloy ng traffic sa kasagsagan ng earthquake drill.

Facebook Comments