Earthquake Drill isinagawa sa BARMM Compound

Sa layuning maging handa ang lahat ng mga kawani at mga ahensya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, isinagawa ngayong umaga ang Earthquake Drill sa Office of the Chief Minister.
Nanguna sa aktibidad ang BARMM HEART, katuwang ang PHIVOLCS Cotabato, PAG ASA Cotabato, Office of Civil Defense BARMM, PNP, AFP, BFP BARMM at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Nasubok din sa Drill ang kahandaan at mga kaalaman mg mga Rescue Group lalo na sa pagtugon sa panahon ng kalamidad at trahedya.
Noong nakaraang linggo ilang buhay rin ang nawala matapos makaranas ng lindol ang Batanes Area.

Facebook Comments