Earthquake Drill, Isinagawa sa SM City Cauayan

Cauayan City, Isabela – Umabot sa halos 300 katao na kinabibilangan ng mga empleyado, guwardiya, tenants at mga mamimili ng SM City Cauayan ang nakibahagi sa ginanap na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Ms. Krystal Gayle Agbulig, Public Relations Manager ng SM City Cauayan, layunin umano ng nasabing aktibidad na masiguro ang kahandaan at maturuan ang kanilang mga empleyado, mall tenants, at mamimili sa mga insidente ng kalamidad gaya ng lindol.

Ayon pa kay Ms. Agbulig ang pakikiisa ng SM City Cauayan sa NSED ay naglalayon ding masubukan at ipakita ang kakayahan ng mall ganundin ng iba’t-ibang rescue units ng gobyerno, sa pagharap sa panahon ng kalamidad at sakuna.


Isinagawa ang nasabing aktibidad ganap alas 2 hanggang alas 2:12 ng hapon ngayong araw, Pebrero 15, na sinalihan mga empleyado at mamimili kasama ang mga partner agencies tulad ng PNP, BFP at Rescue 922 ng Cauayan.

Facebook Comments