Earthquake Drill sa SM City Cauayan, Isinagawa!

*Cauayan City, Isabela-* Matagumpay na isinagawa ng Bureau of Fire Protection ng Cauayan City ang Earthquke Drill ngayong araw sa SM City Cauayan bilang pakikiisa sa Quarterly National Simultaneous Earthquake drill.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Fire Officer 1 Carlo Vila, naging abala ang kanilang himpilan dahil sa paghahanda sa kanilang isinagawang pagsasanay.

Aniya, Lahat umano ng mga nasa loob ng nasabing mall ay nakiisa sa Earthquake drill bilang paghahanda sa anumang darating na lindol.


Ayon pa kay FO1 Vila, mas mainam umanong dumaan na lamang sa hagdan kaysa gumamit ng elevator at huwag rin umanong magpanic kung magkakaroon man ng lindol.

Layunin ng kanilang taunang isinasagawang Earthquake drill ay upang mabigyan ng kaalaman at pagsasanay ang mga mamamayan hinggil sa kanilang gagawin kung magkaroon man ng hindi inaasahang lindol.

Facebook Comments