EARTHQUAKE-RESISTANT AT FLOOD-RESILIENT BUILDINGS, ITATAYO SA DAGUPAN CITY

Inilatag sa lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang mga planong pagpapatayo ng mga gusaling idinisenyong matibay laban sa lindol at baha.

Batay sa ulat, nakatakdang itayo ang isang three-storey primary diagnostic center sa AB Fernandez Avenue, Poblacion Oeste.

Isa ring two-storey, eight-unit building ang planong itayo sa Sesame Street, Barangay Tapuac.

Tiniyak ng City Engineering Office ang maayos na disenyo at tamang elebasyon ng mga estruktura upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at katatagan ng mga ipapatayong gusali.

Facebook Comments