“Ease of doing business,” iginiit ng DA sa pagbiyahe ng mga baboy sa NCR

Nakiusap ang Department of Agriculture (DA) sa mga Local Government Unit (LGU) na huwag nang i-require ang hog traders ng karagdagang permits bago ibiyahe ang kanilang mga baboy.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, may mga natatanggap silang balita na may ilang barangay na binubuwisan ang mga traders.

Panawagan ni Dar sa mga LGUs na huwag nang pahirapan ang mga traders sa sangkaterbang permits.


“We need to simplify it — ease of doing business — so that the supply will reach Metro Manila faster and so that the process won’t be so bureaucratic,” sabi ni Dar.

Pagtitiyak din ng kalihim na luluwagan ng DA ang permitting process lalo na sa pagdadala ng hog at pork supply sa Metro Manila.

“Kasi ngayon, ang daming may gustong magbigay ng permission bago makalabas,” ani Dar.

Facebook Comments