Pinangunahan ni Pope Francis ang Easter Vigil service sa Vatican kagabi.
Nasa 6,000 na Katoliko mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakiisa sa selebrasyon na ginanap sa Saint Peter’s Basilica.
Sa naging Homiliya ng Santo Papa, pinuna nito ang paglaganap ng kasakiman at pagkakaiba na nangyayari ngayon sa daigdig at sumisira ng kapayapaan.
Nasa walong adult naman ang bininyagan ni Pope Francis bilang bahagi ng Easter Vigil celebration.
Bago niyan, kinansela ng Santo Papa ang pagdalo sa prusisyon noong Biyernes Santo para makapagpahinga dahil sa mga ganap ngayong Pasko ng Pagkabuhay.
Facebook Comments