Easterlies pa rin ang makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa ngayong Sabado.
Ayon sa PAGASA, makararanas ang Eastern Visayas at Caraga ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm bunsod easterlies at ng Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ.
Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, magiging bahagyang maulap hangggang sa maulap ang papawirin na may isolated rainshower at thunderstorm dahil din sa pag-iral ng localized thunderstorm.
Samantala, posibleng umabot sa 40 to 41 degrees celsius ang heat index o damang init sa Metro Manila.
Sumikat ang araw kaninang 5:35 at lulubog mamayang 6:12 ng gabi.
Facebook Comments