Manila, Philippines – Inilatag na ng Eastern PoliceDistrict ang kanilang kahandaan upang bigyan ng seguridad ang mga magtutungo samga ibat ibang simbahan bilang paggunitasa Semana Santa.
Ayon kay EPD District Director Chief Supt. RomuloSapitula simula miyerkules santohanggang sa araw ng pagkabuhay ay isasailalim nila sa full alert status ang buong pwersa ng EPD.
Sabi ni Sapitula bukod sa pagsasagawa ng ” BisikletaIglesia” sa ibat ibang mgasimbahan sa Marikina, Mandaluyong, Pasigat San Juan City.
Dagdag pa ni Sapitula na makikiisa rin ang mga pulis ngEPD sa tradisyon na pabasa na gaganapin sa mga ibat ibang chapel saLungsod habang naka-duty.
Paliwanag ni Sapitula ang Pabasa at Bisikleta Iglesiaay isang pamamaraan at estratehiya, para maiangat ang imahe,moral atespirituwal ng kanilang mga tauhan.
Kasabay nito, hinihikayat ni Sapitula ang publiko partikular ang mga magtutungo samga simbahan at sa mga mamanata sa pamagitan ng alay lakad at iba pang gawainkapag Semana Santa, na maging mapagmatyag at alerto sa kanilang mga paligid at ipaalam agad sa mga pulis nanaka-deploy sa mga lansangan at sa Command Center ang anumang mapapansin nilangmay kahina-hinalang paglikos.
Eastern Police District, inilatag na ang kanilang paghahanda sa Semana Santa
Facebook Comments