Eastern Police District, nag-ikot sa ibat-ibang sementeryo; Skeletal force, nakalatag na

Manila, Philippines – Nag-ikot sa iba’t ibang sementeryo ang mga opisyal ng Eastern Police District o EPD para alamin kung maayos ng nakalatag ang seguridad doon.

Ayon kay EPD Director Chief Supt. Romulo Sapitula, may skeletal force na silang inilatag sa mga sementeryo simula pa noong Sabado.

Habang karamihan aniya sa kanilang tauhan ay nagsasagawa ng checkpoint.


Sinabi pa ni Sapitula na mas mainam na mag carpooling na lang ang mga taong bibista sa mga sementeryo para makaiwas sa trapiko.

Nagpaalala rin siya na kung maaari ay huwag ng magsama ng mga may sakit at bata at iwasang ring magdala ng mga gamit na hindi naman nila kailangan.

Facebook Comments