Pinangunahan ni Eastern Police District (EPD) Director Police BGen. Matthew Baccay ang pamamahagi ng food packs sa Muslim community na nakatira sa eastern part ng Metro Manila.
Ayon kay Baccay, ang apat na City Police Station ay may tig-300 food packs na ipinamahagi kung saan sakop nito ang lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Marikina, at Pasig.
Sinabi naman ni Baccay na naipatupad ang health and safety protocols laban sa COVID-19 upang matiyak na hindi ito maging sanhi ng pagkalat ng virus.
Aniya, ang mga kapatid na muslim, lalong-lalo na yung mga mahihirap na pamilya ay lubha ring naapektuhan ng pagpapatupad ng community quarantine bunosd ng pandemya.
Isinagawa aniya ang simultaneous distribution ng food packs noong April 17, 2021 kasabay ng ng Feast of Ramadan 2021.