Eastern Visayas at Soccsksargen, may umento sa sahod ngayong Hunyo

Nagpaalala ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa mga residente ng Eastern Visayas at Soccsksargen na epektibo na ang panibagong umento sa sahod sa mga manggagawa.

Ayon sa NWPC, mula nang pumasok ang Hunyo ay naglalaro na dapat sa P405 hanggang P435 ang buwanang sahod ng mga manggagawa sa Eastern Visayas.

Ito ay dahil sa P15 na wage increase na ikalawang bugso ng unang ipinatupad noong December 2024.

Ikaapat na tranche o bugso naman ang ipinatupad na wage hike sa Soccsksargen kaya’t naglalaro na ngayon sa P430 ang bagong minimum wage rate para sa retail sector sa rehiyon mula sa P420 na huling umento sa sahod nitong Abril.

Dito naman sa National Capital Region, nauna nang naghain nitong Mayo ang iba’t ibang unyon at grupo para hilingin ang panibagong umento sa sahod.

Tatalakayin ang petisyon sa public hearing sa June 17 sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City.

Patuloy namang hinihikayat ang mga gustong dumalo sa pagdinig na makipag-ugnayan sa NCR Regional Wage Board hanggang ngayong June 13.

Facebook Comments