Naitala ng Google Philippines ang ‘Eastern Visayas’ bilang mataas na search interest para sa Coronavirus nitong Mayo.
Sa kanilang latest trends report, ibinahagi ng Google ang mga nangungunang rehiyon sa bansa na may mataas na search interest sa panahon ng pandemya.
Dito ay nanguna ang Eastern Visayas, pumangalawa ang Cordillera Administrative Region, sumunod ang Zamboanga Peninsula, Central Visayas, Northern Mindanao, Bicol, at Metro Manila.
Madalas ding sine-search sa Google ang ilang salita tulad ng “ReliefAgad,” ang bagong application na inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na layong mapabilis ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) cash assistance.
Facebook Comments