“Eat responsibly,” paalala ng DOH

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maghinay-hinay sa pagkain lalo na at kaliwa’t-kanan ang handaan ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo – karaniwang dumadami ang kaso ng high blood at diabetes tuwing Disyembre at Enero.

Nilinaw ni Domingo na hindi masamang kumain sa mga handaan basta may kaakibat na disiplina at pag-iingat.


Dagdag pa ni Domingo – may tamang sukat ang mga pagkain na dapat ilagay sa pinggan.

Paalala pa ng DOH, dapat sakto lang din ang ihahaing panghimagas.

Pagkatapos ng holiday season, dapat ding tiyaking isulong ang diet at exercise.

Facebook Comments