Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) katuwang ng isang sikat na Fastfood Chain sa bansa ang Food Tourism Campaign na “Eats more fun in the Philippines.”
Layunin ng kampanya na i-promote ang masaganang cuisine at dining culture sa Pilipinas.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, ang food tourism campaign ay isang imbitasyon para sa mga foodie at mga turista na bumisita sa bansa upang matikman ang mga pagkaing Pinoy.
Magkakaroon ng isang promotional video kung saan tampok ang mga sikat na chefs na sina Chef JP Anglo at Filipino-American Celebrity Chef Jordan Andino, maging ang Youtube sensation na si Mikey Bustos.
Facebook Comments