EBIDENSYA | Kopya ng application form ng amnesty ni Senador Trillanes, pinaka matibay na ebidensiya na maaaring iprisinta nito sa korte – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na walang bigat ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Carlito Galvez sa Senado kung saan kinumpirma nito na nagapply ng Amnesty si Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, bilang isang abogado ay mas mabigat sa kanya ang pagkakaroon ng matibay na ebidensiya o ang tinatawag na best evidence rule principle.

Ibigsabihin aniya nito ay kailangang makapagpakita parin ng kopya ng amnesty application si Trillanes at maiprisinta ito sa Korte.


Binigyang diin pa ni Roque na walang say-say sa Korte ang mga naging pahayg ni Galvez kahit pa ito na ang pinakamataas na opisyal ng AFP dahil wala namang patunay na naihaharap si Trillanes.
Una din aniya sa lahat ay hindi naman si Galvez ang Chief of Staff noong taon kung kailan nagapply ng amnesty si Trillanes kaya wala itong direktang alam sa sirkumstansiya sa mga pangyayari noon.

Naniniwala din naman si Roque na hindi maisisisi sa custodian at hindi totoo na maaari itong parusahan sa pagkawala ng dokumento ni Trillanes dahil sa una pa man aniya ay wala namang isinumiteng application ang Senador.

Mapatutunayan lang aniya ni Trillanes na mayroon itong application ay kung mayroon itong maipapakitang received form sa Korte.

Facebook Comments