Ebidensyang hawak ng PNP sa Batocabe slay case, halos kumpleto na

Halos kumpleto na ang hawak na ebidensya ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng kaso ng pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.

Ito ay kasunod na rin ng pagkakarekober sa isa pang baril na ginamit sa pagpatay sa mambabatas.

Ayon kay CIDG Police Sr/Supt. Arnold Ardiente – mas lumakas pa ang testimonya ng mga testigo matapos na matagpuan ang baril sa isang fishpond sa Purok 3, Barangay Busay sa Ligao City.


Ito ay isa sa dalawang baril ni Henry Yuson, ang sinasabing gunman na pumatay kay Batocabe.

Hinihintay na lang din nila ang magiging resulta ng ballistic at cross matching examination sa baril.

Facebook Comments